Pinoy Gaming World

Your Complete Gaming Information Site


Miss mo na ba ang mga mamaw exp pakulo ng mga GMs? Pwes, ito na ang pagkakataon mong mapadalas ang pinakapeyborit mong happening sa RAN! Sumali sa RAN Server Wars at dalhin ang 3x EXP event sa server mo!

Sa RAN Server Wars, bibigyan ng chance ang lahat ng RANatics na iboto ang kanilang server. Ang server na may pinakamaraming boto pagkatapos ng isang lingo ang bibigyan ng 3x EXP Treat. Paano? Simple lang mga RANadeks. Eto, basahin n’yo!


Mekaniks

1. Una, ilabas ang cellphone at mag-text (siguraduhing may load ka para di ka mapahiya). Ilagay ang sumusunod sa text message at ipadala sa 2948:

RAN WAR (server name) (login name)
Sample text: RAN WAR Wrath ranastig21

2. Isang linggo ang pagbibilang ng boto kaya siguraduhing makakapag-text ka ng boto mo between Lunes ng 12nn at Biyernes ng 11:59pm.

3. Alamin sa forums ang mga apdeyts tungkol sa RAN Server Wars mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 12nn, 3pm, 6pm, 9pm, at 12am.

4. Ang server na nagkamit ng pinakamaraming boto ang mananalo ng whole day na 3x EXP Treat na gaganapin sa unang Lunes pagkatapos ng voting period. Ang server na pangalawa sa may pinakamaring boto naman ay bibigyan ng 3x EXP Treat pero mula 12nn hanggang 12am lang. Samantala, ang 3rd placer na server ay magkakaroon ng 3x EXP Treat mula 3pm hanggang 9pm.

5. P2.50 kada text kaya pwedeng umulit nang umulit nang umulit! Kahit ilang beses kang mag-text, okay lang dahil lahat yan ay isasama sa vote count.


Ang RAN Server Wars ay magsisimula sa October 20 (Lunes) ng ika-12 ng hapon at magtatapos sa October 24 (Biyernes) ng ika-11:59 ng gabi.

Kaya bilis-bilisan ang pag-text. Support your server at magkaroon ng 24-hour 3x EXP saya!

0 Response for the "RAN Online PH: RAN Server Wars!"