Pinoy Gaming World

Your Complete Gaming Information Site


Akala ng lahat, magtatapos ang kaguluhan sa RAN sa pagkamatay ni Reflector. Lingid sa kaalaman ng lahat, isang panibagong kalaban ang darating upang guluhin ang mga RANactics. At ang unang hakbang na gagawin nila? Bihagin si GM Amethy!

Ang Black Wasp ay isang grupo ng mga bayolenteng estudyante ng RAN na sinipa sa eskwelahan dahil sa kanilang pagiging pasaway. Sila ay malakas, masama, mautak…at gagawin nila ang lahat para makaganti sa buong RAN Bayan.

Isang araw, habang naglalakad si GM Amethy sa market, isang kahina-hinalang tao ang sumunod sa kanya. Napansin ito ni GM Amethy kaya’t agad syang umiwas sa maraming tao sa takot na madamay ang mga ito. Kusa syang pumunta sa likod ng dormitory at hinarap ang sumusunod sa kanya.

“Sino ka at ano ang kailangan mo?” sigaw ni GM Amethy. Lumabas mula sa kanyang pinagtataguan ang lalaki. Isa pala itong Swordie. “Ako ay isang miyembro ng Black Wasp! Narito ako para kunin ka at gawing hostage wakekeke!” nanunuyang sagot ng lalaki.

“Asa ka! Tatalunin kita bago pa man mangyari ang binabalak mo!” sabi ni GM Amethy.

Nagsimulang maglaban ang dalawa. Nagpalitan sila ng skill. Mahusay ang Swordie pero dahil sa taglay na lakas ni GM Amethy, di nagtagal ay natalo din nya ito. “Sinabi ko na sayo, hindi ko hahayaang magtagumpay ang plano mo. Malas mo lang na nakalaban mo ang super gandang Queen of the Hill ng RAN noh,” sabi ni GM Amethy.

Hinatak n’ya ang kamay ng dumapang Swordie para dalhin ito sa Disciplinary Committee pero natigilan sya dahil biglang may tumusok sa kanyang braso. “Ahhh…ano ‘to? Bakit nanghihina ako?” Dahil sa kawalan ng lakas, nabitiwan ni GM Amethy ang Swordie.

“Bohahaha! Dahil sa serum na yan, mawawala ang GM powers mo! Hindi ako nanalo sayo ngayon pero darating ang mga kasamahan ko. Sila ang tatapos sayo!”

“Sabihin mo sa akin, nasaan ang antidote nito? NASAAN?!” Pero bago pa man makasagot ang lalaki ay nawalan na ito ng malay.

Mga RANadeks, nanganganib si GM Amethy! Hindi lang s'ya kundi ang buong RANbayan dahil hindi titigil ang Black Wasp hangga’t hindi sila nakakaganti sa lahat ng RANatics. Kaya nyo bang ipagtanggol si GM Amethy at labanan ang masamang grupo ng mga pasaway?

1. Abangan ang deklarasyon ng Black Wasp para malaman kung kelan sila lulusob.

2. Magtipun-tipon sa Shibuya Map kung saan naghihintay si GM Amethy.

3. Kapag dumating na ang mga miyembro ng Black Wasp, labanan sila hanggang sa matalo silang lahat. Kailangang hindi nila makuha si GM Amethy.

4. Ang bawat miyembro ng Black Wasp ay may suot na special armor part na maaring malaglag kapag natalo sila. Basahin ang kanilang profile sa forums para malaman ang kanilang kahinaan at item na pwedeng i-drop.

5. Naghihintay ang sumusunod na reward para sa mga magigiting na RANadeks na tumulong para ipagtanggol si GM Amethy at ang buong RAN Bayan:
a. 3x EXP
b. 3x Gold/3x Drop
c. Suryun Event (with or without Gold/Drop multiplier)

Nasa iyong mga kamay ang kaligtasan ng buong RAN Bayan! Mawawala ka pa ba? Sali ka na!


SOURCE

1 Response for the "Black Wasp: Ang Bagong Banta sa RAN Online"

  1. Elliot says:

    T__T Why have I not been into MMORPGs?...

    Anyway, I've got a tag for you. ^^
    Support Team Philippines in the 2008 Olympics!

    It's still is relevant to Pinoy gaming so I hope you could adopt it. ^^