Pinoy Gaming World

Your Complete Gaming Information Site


RAN Online PH: Halloween Events

Posted by Admin On 12:00 PM 0 comments

Oye, RAN Bayan! Ready na ba kayong malaman ang mga astiging apdeyts ngayong buwan ng kababalaghan? Siguradong matutuwa kayo sa mga pasabog na ito!

1. Shibuya 2 Major Patch

Para sa mga mahilig sa challenges at pagpapa-level, o yung mga big fans lang naman ng all things Japanese, great news! Meron na kayo uling lugar na matatambayan para sa magdamagang pagpapa-level!

Anawnsing da pagbabalik ng Shibuya Map! Mas interesting ang bagong mapang ito sa mga sumusunod na kadahilanan:

* kung sa dating Shibuya map ay may specific point of entry, maaaring pumasok sa Shibuya 2 area malapit sa Marketplace, sa kabilang dako mismo ng entrance ng naunang Shibuya.

* kinakailangan ng Shibuya 2 Card para makapasok sa bagong lugar na ito. Mabibili ang map card sa astiging RAN Item Shop.

* kailangan level 150 ka na or mas mataas pa para makapasok sa Shibuya 2.

At hindi lang yan, mga refafifz! Meron kayong makakasalamuha na mga bagong NPCs…swak na swak pa ang kanilang mga japorms para sa panahon na ito. Kilalanin natin ang mga hot mamas ng Shibuya 2!

Black Devil
Sya ang NPC na nagbabalik ng nawalang EXP para sa mga RANatics na mahilig dumafeng sa labanan. Pero syempre, ang serbisyong ito ay may nararapat na kabayaran, depende rin sa level ng character. Kapag mataas ang level at EXP ng isang character, mataas na halaga rin ang sisingilin. Alalahanin din na hanggang 50% lang ng nawalang EXP ang maaaring ibalik ng Black Devil, kaya konting ingat para sa mga malalambot at mabibilis dumafeng.

Blue Devil
Sya naman ang NPC na nagbebenta ng mga special items tulad ng Premium Weapons, recovery items, upgrade items (Burrs at Prot Pots) at 2 tumataginting na Shibuya 2 costumes! O ha! Bonggacious!

Abangan ang pagbubukas ng Shibuya 2 map sa October 29 at kita-kita tayo dun..sa mata!


2. Halloween Hakutan Sale

Hindi ka namamalik-mata, kapatid! Simula October 24 (start ng maintenance) hanggang October 31 (katapusan ng maintenance), magkakaroon ng super duper, over at mega-to-da-max na 20% discount sa RAN Item Shop!

O diba, nasindak ka dun?

Kaya naman rekta ka na sa Item Shop sa promo period na ito at nang maka-buena mano ka naman sa mga discounted items na matagal mo nang gustong mapasakamay!

Sabi sa inyo mapapa-oye at mapapa-tambling kayo sa lufet ng balita dito lang sa RAN Online! Kaya naman tutok lang kayo sa pinaka-malufet na game sa balat ng mundo! Yeba!

0 Response for the "RAN Online PH: Halloween Events"