Pinoy Gaming World

Your Complete Gaming Information Site


Crazy Kart PH: Huli ka GM!

Posted by Admin On 12:00 AM 0 comments

Ngayon at naranasan niyo na ang mga bago sa September Patch ng Crazy Kart, handa na ba kayo to test your racing skills? Sa September 25 – 26 (Thursday and Friday), 4pm-5pm, magbabalik ang mga GM! Meron lang konting pagbabago sa mga patakaran.

- Kailangan may designated Kart ang lahat ng sasali.
o Mech Rover
o Ice Baby
o Nightrider
o Beetle
o RX – Top Down
o Shumi’s Pride
o Mega FX
- In the event that a participant doesn’t have the above mentioned Karts, he/she is not eligible to join and will have to be kicked from the room. (If the participant has an anti-kick card, then he/she may race but will not get any award. If that player wins the race the 2nd placer will receive the benefits.)

Makipagkarera at makipagsaya kasama ang inyong mga GM sa iba’t-ibang mapa ng Crazy Kart.

Sundin lang ang sumusunod para makasali:

1. Sa araw at oras ng event, manatiling nakalog-in sa Crazy Kart at maghintay sa Game Lobby.
2. Mag-aannounce ang GM kung anong room number ang dapat pasukin. (Ang room ay may password. Magtatanong ang GM at ang password ang magiging kasagutan.)
3. Pitong (7) manlalaro lamang ang makakasali sa bawat kwarto.
4. Ang mapa ay Great Wall of China at mode ay Single Power-up Race.
5. 150,000 gold points ang maaring mapanalunan ng magwawagi ng bawat race. Magagamit ang mga gold points pambilit ng karts o accessories sa item mall.
6. Sa mga mananalo, huwag maglolog-out kaagad dahil ibibigay ng GM agad ang premyo sa mananalo.

Matapos ang lahat, titignan ng GM’s kung sino ang may pinakamabilis na oras sa event. Ang may pinakamabilis na oras ay makakamit ang Grand Prize! Tatawagin ng GM ang karerista na may pinakamabilis na oras at kailangang pumasok ang nanalo sa sasabihing kwarto ng GM. Pagpasok ng karerista, iaaward na ng GM ang kanyang Grand Prize. Ang Grand Prize ay ang sumusunod:

Grand Prize:
- 100,000 gold points
- KART OF YOUR CHOICE (pwede lamang piliin ang mga kart na nasa Item Mall sa araw ng event)

Patakaran:

- Pwede lamang manalo ng isang beses
- Kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang problema, ang huling desisyon ay nasa CK GM team.
- Ang mga na disconnect na players ay considered nang tanggal sa race. Pero pwede pang sumali sa susunod na races. Hindi mag re-restart ang race pag may na disconnect.
- Ang may pinakamabilis na oras sa lahat ng nanalo ang maaring manalo ng Grand Prize
- Matapos ang bawat karera, gagawa ng bagong kwarto ang mga GM para makasali naman ang ibang manlalaro.

0 Response for the "Crazy Kart PH: Huli ka GM!"