Pinoy Gaming World

Your Complete Gaming Information Site


New items for the Crazy Kart PH OBT

That’s right race fans, pwede na ninyong gamitin ang one and only Hari ng Kalsada --- ang Pinoy Jeepney sa Open Beta! Super galing sa gitgitan, mabilis sa singitan…

At hindi lang yan mga pips, meron din tayong FX MegaTaxi na nlimited ang boundary at kahit saan ma-aasahan, mura ang sakay at aircon pa; at ang ever-famous Owner-type jeep!





Lahat nang ito ay pwede mong gamitin sa iyong mga favorite maps at sa dalawang pinaka bagong map ang Windmill Farm at Moon Castle.

Teka! Teka! Meron pang mga bagong items tulad ng…


Rearview Mirror - Ngayon, kita mo na kung may masamang binabalak ang mga pinag-iwanan mo para maka-diskarte ka nang tama!.500 Cash Points (100x)


Anti-kick Card – Makulit ka ba o kaya nama’y kinatatakutan dahil sa iyong super racing skills? Wag mangamba…di ka na nila kayang palayasin sa bagong Anti-Kick card! 200 Cash Points

At syanga pala may mga bagong avatars tulad ni Jak, the Kalabasa Kid at si Princess Coco na siguradong kaaaliwan ninyo.

Source

Categories: ,

1 Response for the "Crazy Kart: The Pinoy Jeep and More"

  1. ahaha wow! ang angas nito ah!