Pinoy Gaming World

Your Complete Gaming Information Site


Level Up! Crazy Kart Philippines

What: Huli ka GM! (Ulit!) Event
When: August 21 - 22, 2008 (Thursday and Friday)
Time: 6pm - 7pm

Sigurado kaming nabitin kayo sa “Huli ka GM!” event, so naisip naming na humirit pa this week! For this week, 2 days na and at a later time! 6pm – 7pm Thursday and Friday!

Makipagkarera at makipagsaya kasama ang inyong mga GM sa iba’t-ibang mapa ng Crazy Kart.

Sundin lang ang sumusunod para makasali:

1. Sa araw at oras ng event, manatiling nakalog-in sa Crazy Kart at maghintay sa Game Lobby.
2. Mag-aannounce ang GM kung anong room number ang dapat pasukin. (Ang room ay may password. Magtatanong ang GM at ang password ang magiging kasagutan.)
3. Pitong (7) manlalaro lamang ang makakasali sa bawat kwarto.
4. Ang mapa ay U Shaped Valley at mode ay Single Power-up Race.
5. 150,000 gold points ang maaring mapanalunan ng magwawagi ng bawat race. Magagamit ang mga gold points pambili ng karts o accessories sa item mall.
6. Sa mga mananalo, huwag maglolog-out kaagad dahil ibibigay ng GM agad ang premyo sa mananalo.

Matapos ang lahat, titignan ng GM’s kung sino ang may pinakamabilis na oras sa event. Ang may pinakamabilis na oras ay makakamit ang Grand Prize! Tatawagin ng GM ang karerista na may pinakamabilis na oras at kailangang pumasok ang nanalo sa sasabihing kwarto ng GM. Pagpasok ng karerista, iaaward na ng GM ang kanyang Grand Prize. Ang Grand Prize ay ang sumusunod:

- 100,000 gold points
- KART OF YOUR CHOICE (pwede lamang piliin ang mga kart na nasa Item Mall sa araw ng event)

Patakaran:

- Pwede lamang manalo ng isang beses
- Kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang problema, ang huling desisyon ay nasa CK GM team.
- Ang mga na disconnect na players ay considered nang tanggal sa race. Pero pwede pang sumali sa susunod na races. Hindi mag re-restart ang race pag may na disconnect.
- Ang may pinakamabilis na oras sa lahat ng nanalo ang maaring manalo ng Grand Prize
- Matapos ang bawat karera, gagawa ng bagong kwarto ang mga GM

0 Response for the "Crazy Kart PH: Huli ka GM! (Ulit!) Event"