Alam n’yo bang hindi lang pampabilis at pamporma ang Hoverboard ngayon? Dahil sa pinakabagong add-on ng Event Shop, ang Pimp My Hoverboard, pwede na itong dagdagan ng ATK, DEF at HP! Hindi lang yan, nadagdagan din ang mga items na pwede n’yong makuha sa Event Shop! Check this out!
Ang Pimp My Hoverboard ay isang event sa RAN Online kung saan ang ordinaryong Hoverboard ay pwedeng maging mamaw Hoverboard. Bakit kamo? Dahil dito lang sa event na ito mabibigyan ng additional stats ang inyong ride, beybi! Defense, Attack, HP--name it, we have it! Pag meron ka nito, daig mo pa ang naka-extra armor! Take note, permanent upgrade yan ha? Kaya gamitin mo man o itago sa baul, oks lang dahil hindi ito mawawala.
Simple lang ang dapat mong gawin para makapagpa-upgrade:
- Mag-login sa e-Games Portal.
- Hanapin ang Event Shop sa ilalim ng Top Up Button at i-click ito.
- I-click ang “Promo Items” tab. Hindi na kailangan ng purchase code para bumili sa “Promo Items” section.
- Pumili ng gusto mong upgrade at i-click ang upgrade icon nito. Siguraduhin lamang na sakto ang eP sa account mo para hindi mabitin.
Pag na-confirm na ang purchase, maghintay lamang ng isang linggo (7 days) para sa item insert. Tsaraaan--may mamaw Hoverboard ka na!
Kaya lang, hindi araw araw ay pasko. Hanggang +3 lang ang DEF at ATK na pwedeng idagdag sa Hoverboard mo. One time na +100HP upgrade lang din ang mong pwedeng gawin dito.
Kahit hindi pwede ang pinapangarap mong +10000DEF +10000ATK +10000HP eh oks lang dahil astig ka pa rin kapag upgraded ang Hoverboard mo, hehe. At isa pa, pwede ka namang mag-avail ng:
+9 Battle Helm 30D +100HP/MP/SP
(Non-droppable, Limited to 1 per Account, Cannot be Extended)
at
+9 Exorcist Ring 30D +9ATK +9 DEF +100 HP/MP/SP
(Droppable / Tradable, Cannot be Extended)
Sa kunat mo pagkatapos nito, tingnan lang natin kung hindi nila palitan ang pangalan mo ng “Maton ng PTZ” o “GH Jr” bohahaha!
Kaya wag nang magpahuli, abangan ang mga event ng e-Games at RAN Online at ang mga bagong items na ilalabas sa Event Shop! Para sa schedule ng on-ground events, pumunta lamang sa www.e-games.com.ph. Para naman sa RAN Online events, abangan ang announcement na ipo-post sa website at forums.
0 Response for the "Ran Online: Hoverboard Event"
Post a Comment