Oye mga mamaw! Handa na ba kayong i-welkam bak ang isa sa mga hindi makakalimutang sagupaan sa RAN Online? Kung ganon, basahin na ang sumusunod na mekaniks dahil ngayong July 20 na ito!
Mag-register na para magkaroon ng pagkakataong manalo ng Pet Ranny Bear at Copper Earring 30D +9ATK +9DEF at maging bida sa ating website!
Paano ba kamo? Eto na, eto na kaya mga mamaw, BASAAAAA!!!!
Mechanics
1.) Pumili ng pitong (7) members na magre-represent sa guild. Kailangang present din ang Guild Leader sa event.
2.) Walang character class at item/equipment restriction sa event na ito. Ibig sabihin pwedeng gumamit ng kahit anong character at kahit ilan at kahit anong eP (premium items) at reward items (mga gamit na napanalunan sa event) except HP POTS.
3.) Mag-register sa Official Fight Club: Extreme thread sa forums na makikita sa Ran Online Events and Updates section. Ang walong guild na unang makakapag-register ang makakasali sa event.
4.) Pumili ng isang costume mula sa Item Shop. Ang mapipiling costume ay magsisilbing uniform ng guild representatives sa event at dapat na isama sa registration. Ang costume na nai-register na ay hindi na pwedeng gamitin ng ibang guild.
5.) Mag-online limang (5) minuto bago magsimula ang event dahil maaring simulan ng GM ang event anumang oras, handa man o hindi ang mga kalahok. Ang mga naka-online na guild representatives lamang ang isa-summon ng GM sa event location pagdating ng takdang oras. Bawal ang substitute o proxy sa mga miyembro na absent.
6.) Pumunta sa Upper Part ng Marketplace sa Channel 2 ng bawat server. Mula sa Marketplace ay isa-summon ng GM ang mga guild representatives sa event location pagdating ng takdang oras.
7.) I-accept ang party invitation ng GM. Para matiyak na tamang duel setting ang gagamitin sa bawat match, ang GM lang ang pwedeng magsimula ng duel.
Tamang Duel Setting
a.) No pots allowed
b.) Limited area
c.) 1x HP rate
8.) Ang walong (8) guilds ay hahatiin sa apat (4) na battle sets. Ex. Team A versus Team B, Team C versus Team D etc.
9.) Knockout system ang labanan sa bawat battle set. Sa oras na magsimula ang laban, ang dalawang guild na kasali sa match, maliban sa GM, ay kailangang maglaban.
10.) Ang guild na mana-knockout ay talo at hindi na pwedeng sumali sa laban.
11.) Ang mga nanalong guild ay muling paglalabanin. Ang huling dalawang (2) guild na matitira ang maglalaban para sa 1st at 2nd place.
Schedule
Registration:
Opens: The thread will be posted anytime today so please check the forums regularly
Closes: Saturday; July 19, 2008 – 11:00 PM
Event Proper:
July 20, 2008 – Sunday
Wrath – 10:00 AM to 11:30 AM
Alamat – 12:00 PM to 1:30 PM
Kalayaan – 2:00 PM to 3:30 PM
Alab - 4:00 PM to 5:30 PM
Tala – 6:00 PM to 7:30 PM
Fury – 8:00 PM to 9:30 PM
Havoc – 10:00 PM to 11:30 PM
Strife – 12:00 PM to 1:30 PM
Prizes for the Winning Guild Representatives
1st – Pet Ranny Bear,
Copper Earring 30D +9 ATK and +9 DEF
2nd – Copper Earring 30D +7 ATK and +7 DEF
Ang mananalong guild bawat server ay ife-feature sa RAN website, Inkslinger Reports Section.
Lahat ng premyo ay ibibigay ng GM pagkatapos ng event kaya wag magmadali sa pag-eskapo, okey? At shempre pa, tandaan ang schedule ng server ninyo at siguraduhing online ang naka-register na guild representative limang minuto bago magsimula ang event para hindi maiwan.
Pano, kitakits mga mamaw! ~Oye!
0 Response for the "RAN Online Fight Club: Extreme"
Post a Comment